27th February 2011 Sunday
Parang dinaanan ng napakalakas na bagyo ang kwarto ko.
Hindi ko alam kung sa’n ako magsisimula sa pag-aayos.
Isa nanamang napakasayang weekend kasama ang pinakamamahal na mga kaibigan. Pero para talagang dinaanan ng bagyo ang kwarto ko, parang gusto kong umiyak.
Magluluto ako ng sardinas na may miswa. Hindi na kasi ako/kami naipagluto ni C at ni M. Miss ko na sila agad. Samahan niyo ko, nakakatakot dito sa bahay mag-isa. :(
Dear S, M, C, J & J, R at P,
Maraming salamat. Sa ating muling pagkikita.
P.S.
Kawawa naman ang tumblr na madalas makalimutan.
#Buhay ni Gloria #Kaibigan
14th February 2011 Monday
shesatrainwreck:adrienneocampo:
Natawa ako e. Bakit ba.
(via hindiakobakla)
#Reblog #Nakakatawa sabi ko
14th February 2011 Monday
TIIS lang muna ngayong araw.
Kanina, may nakita akong dalawang lalaking nakatayo sa tapat ng opisina. Pareho silang may dalang bulaklak, tapos ‘yung isa e may dala pa atang tsokolate. Sus. Ngayong Valentine’s lang ‘yan! Sabihin niyo nga, araw-araw ba kayong ganyan ka-sweet sa girlfriend niyo? Pustahan tayo hindi.
Oo, ako na talaga ang bitter. ‘Wag ka ng epal, bitter ka rin naman. Pero palagay ko lang naman ‘yun. Hehe.
Ngayong Valentine’s e pagiging loner ang drama ko. Okay lang. Mukang usong-uso naman e. Sa opisina pa lang e nagkalat na ang mga taong parang nakalunok ng isang dosenang ampalaya sa sobrang ka-bitter-an.
Kaya tiis tiis lang muna. Tang Ina I‘m Single. TIIS LANG.
Valentine’s ngayon, uso ang Red…
…RED HORSE. Tagay na lang tayo mga kaibigan!
#Buhay ni Gloria
9th February 2011 Wednesday
Ang hirap nga naman talaga kapag maya’t maya e tumutulo ang sipon mula sa ilong mo. Hindi ako makapagsalita ng maayos kasi kailangan kong suminghot para hindi siya tuluyang tumulo. Nakakadiri.
Bakita ba kasi tayo nagkakasipon? Pahirap naman sa buhay.
#Buhay ni Gloria
8th February 2011 Tuesday
Mahirap ang buhay.
Tuluyan na kong nilayasan ng boses ko.
Dear Boses,
Wag ka ng magalit sa’kin. Balik ka na oh. Parang awa mo na. Hindi ako makapagtrabaho. Huhu. Sige na, bati na tayo.
Nagmamahal,
Gloria
#Buhay ni Gloria